Hindi na naman natuloy ang pagbasa ng sakdal kay Senator Leila de Lima para sa mga kasong conspiracy to commit illegal drug trading.
Sa pagdinig kanina, nagpasya ang Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 at 206 na ipagpaliban ang arraignment sa ika-10 ng Agosto dahil sa nakabinbin pang mga mosyon.
Ilang beses nang naipagpaliban ang arraignment dahil sa mga mosyon ng senadora na balikratin ang kautusan ng korte sa pagtanggap sa binagong demanda laban sa kanya.
Samantala, binigyan naman ng limang araw ang prosecution upang sumagot sa mosyon ni de Lima na pansamantalang makalabas ng kulungan upang dumalo sa graduation ng kaniyang bunsong anak na si Vincent Joshua de Lima Bohol na magtatapos ng kursong abogasiya sa San Beda College Alabang sa ika-3 ng Hunyo.