Armed Forces of the Philippines, nagsumite na ng rekomendasyon kay Pang. Rodrigo Duterte kaugnay ng umiiral na martial law sa Mindanao

by Radyo La Verdad | December 6, 2017 (Wednesday) | 2970

Nakatakdang magtapos ang umiiral na martial law sa Mindanao ngayong katapusan ng Disyembre. Kaya naman kabi-kabila na ang panawagan ng mga grupong tumututol dito.

Anila, paglabag sa karapatang pantao lalo na sa mga komunidad ng mga Moro at Lumad ang pangunahing dahilan kung kayat nais na nilang tuldukan ang pag-iral ng batas militar sa kanilang lugar.

Una ng sinabi ng Pangulo na babatay siya sa rekomendasyon ng ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police sa kaniyang magiging desisyon.

Ayon sa afp, noong weekend pa ay naisumite na nila kay pang. duterte ang kanilang rekomendasyon hinggil sa martial law sa mindanao.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Rey Leonardo Guerrero, nagbase sila sa kasalukuyang security situation ng bansa.

Gayunman, tumanggi ang heneral na sabihin ang nilalaman ng kanilang rekomendasyon at si Pangulong Duterte na ang magpapasya kung palalawigin ba o hindi ang martial law sa Mindanao.

Subalit nang tanungin si chief of staff kung idi-deklara ang martial law nationwide, posible aniya ito dahil ang lahat ay possible.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,