Aquino administration, may pinaka-maraming naipatayong NHA houses

by Radyo La Verdad | October 16, 2015 (Friday) | 2144

MON_NHA
Ibinida ni NHA Director Chito Cruz kanina ang ulat na sa panahon ng Administrasyong Aquino naitayo ang pinakamaraming NHA houses.

Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng ika-apatnapung anibersaryo ng National Housing Authority na dinaluhan mismo ng pangulo.

Ayon sa nha, mahigit 483 thousand na mga bahay ang naipatayo sa ibat ibang panig ng bansa para sa mga informal settler, displaced communities sa mga conflict area, mga survivor sa kalamidad at mga katutubo.

Sa apat na pung taon ng nha sa bansa, mayroon ng one million fifty three thousand na mga pamilya ang nabigyan ng pabahay.

Si Pangulong Benigno Aquino III ang naging guest of honor sa anibersaryo ng nha kaninang hapon

Pinuri ni Pangulong Aquino ang mga empleyedo ng nha dahil sa magandang performance nito sa kanilang mga trabaho.

Ayon kay Pangulong Aquino, bago matapos ang kanyang termino ay matatapos ng nha ang mahigit anim na raan libong NHA houses para sa mga kapos palad na mga Pilipino.

Samantala, inanunsyo ni Pangulong Aquino na mabigyan ng bonus ang mga empleyedo ng nha bilang regalo nito sa ika apat na pung anibersaryo ng kagawaran.(Mon Jocson/UNTV Correspondent)

Tags: ,