Matapos ang dalawang pagdinig ng Commission on Appointments, bumoto pabor sa kumpirmasyon sa appointment ni Secretary Francisco Duque III sa Department of Health ang mayorya sa mga miyembro ng bicameral body.
Ngunit bago ito, hinarap muli ng kalihim ang ilang isyung ibinabato sa ahensya. Naging emosyonal ang kalihim nang tanungin ni Senator Risa Hontiveros tungkol sa Dengvaxia controversy.
Ayon sa kalihim, ito ang malaking hamong kinakaharap ngayon ng ahensya. Tinanong rin ang kalihim kaugnay ng isyu sa overstocking ng gamot, implementasyon ng reproductive health at financial problems ng PhilHealth.
Tiwala naman ang Malacañang na sa pagkumpirma kay Sec. Duque ay tuluyan niyang mahaharap ang isyu sa Dengvaxia.
Si Duque ay una nang naging kalihim ng kalusugan mula June 2005 hanggang January 2010 sa ilalim ng Arroyo administration.
( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )
Tags: Dengvaxia, Health Sec. Duque, Malacañang