Anti-smoke belching at anti-colorum operations isinagawa sa Makati City

by Radyo La Verdad | January 10, 2018 (Wednesday) | 4515

Muling nagsanib-pwersa ang Land Transportation Franchising ang Regulatory Board, Land Transportation Office at Metropolitan Manila Development Authority para sa pagsasagawa ng anti-smoke belching at anti-colorum campaign.

Sa Makati City pumwesto ang grupo kagabi. Kabilang sa mga nasita ng mga otoridad ang mga jeep na hindi gumagamit ng headlight at overloading o yung may mga nakasabit ng pasahero.

Hinuli rin ang mga nagmomotorsiklo na hindi gumagamit ng standard headlight at sa halip ay gumagamit ng ibang ilaw o blinkers na ipinagbabawal ng LTO.

Ayon kay LTFRB Spokesperson Aileen Lizada, ang mga ganitong operasyon ay bahagi ng pagsusulong sa PUV Moderization program ng pamahalaan.

Dagdag pa ni Attorney Lizada, ang hakbang ay para sa seguridad ng mga pasahero at para na rin sa kalusugan ng mga tao lalo na ng mga bata.

Ang mga nahuli ay inisyuhan ng citation tickets at pinapupunta sa motor vehicle inspection service upang masuri ang tanda ng kanilang sasakyan.

Sinomang may sumbong laban sa mga pasaway na PUV drivers ay maaaring makipag-ugnayan sa LTFRB sa pamamgitan ng kanialng 24/7 hotline number na 1342 o sa mga social media accounts nito.

 

( Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent )

Tags: , ,