Anti-drug operation, hindi hihinto pagpasok ng mahabang bakasyon- NCRPO

by Radyo La Verdad | October 27, 2016 (Thursday) | 1360

bryan_oplan-tokhang
Simula kahapon mahigit pitong daang libong indibidwal na ang sumusuko sa ilalim ng Oplan Tokhang ng Philippine National Police.

Mahigit limampung libo sa mga sumuko ay pusher at mahigit anim na raang libo naman ay drug user.

Halos tatlumput tatlong libo na rin ang naisagawang anti-drug operations ng PNP.

Maging ang mga celebrity na sangkot din sa iligal na droga ay pinasusuko na rin upang maisailalim sa programa ng pulisya.

Ngayong bakasyon, tiniyak ng National Capital Region Police Office na hindi magpapahinga ang Oplan Double Barrel ng otoridad.

Sa Metro Manila kahit magiging abala ang nasa sampung libong pulis na magbabantay sa paliparan, pantalan at sementeryo, may pwersa pa rin na tututok sa anti-drug operation.

Ayon sa NCRPO nananatiling nasa ilalim ng state of emergency ang bansa dahil sa lawless violence kaya’t katuwang nila ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa pagbabantay ng seguridad ng publiko.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,