Anim na truck ng LGU ng Valenzuela City nag libreng sakay sa mga residente para makatawid sa baha

by Radyo La Verdad | July 28, 2017 (Friday) | 3310


Anim na truck ang idineploy ng Valenzuela City Government. Upang makatulong sa mga residente na apektado ng pagbaha sa ilang barangay sa Valenzuela city.

Nagbigay ng libreng sakay ang Local Government Unit para sa mga gustong makatawid sa bahaing lugar. Puno ng mga pasahero ang anim na truck na naghahatid mula sa barangay pulo hanggang barangay Malanday.

Lampas tuhod ang baha sa lugar at hindi pa humuhupa dahil sa walang tigil na pagulan mula pa kahapon na dulot ng habagat.

Sa ulat ng Valenzuela City Disaster Risk Reduction Management Office labing apat na barangay kabilang ang Palasan, Malanday, Ilog, Arkong Bato, Likonan, Bienteriales, Wawang pulo, Coloong, San roque, Dalandanan, Pasolo, Mabolo, BBB at POLO ang lubog sa baha.
Ayon pa sa operator ng truck nagsimula sila ng alas singko kaninang madaling araw at hanggang hindi pa humuhupa ang baha ay tuluy tuloy silang magpapasakay ng libre.

Tulong na rin ito sa mga residente upang huwag nang lumusong sa baha at makaiwas sa sakit.

(Reynante Ponte / UNTV Correspondent)

Tags: , ,