Anggulo ng mechanical at electrical fault sa pagkalas ng bagon ng MRT, isinantabi ng NBI

by Radyo La Verdad | November 30, 2017 (Thursday) | 4284

Muling binisita kahapon ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang depot ng MRT-3 kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon sa nangyaring pagkalas ng bagon sa isang tren noong November 16 sa pagitan ng Buendia at Ayala station.

Kasama ang mga engineer ng MRT, pinagkakalas ng mga ito ang coupler head ng mismong tren na nagkahiwalay upang makita kung may iregularidad sa pagkakadugtong ng mga bagon. Ngunit batay sa inisyal na imbestigasyon ng NBI, wala umanong nakitang problema sa bahaging ito ng tren.

Matapos ang kanilang gagawing written report, susubukan naman ng NBI na i-ugnay ang kanilang initial findings sa pahayag ng mga hawak nilang persons of interest.

Bagamat hindi pa makumprima sa ngayon, sinabi naman ng NBI na hindi pa rin nila isinasantabi ang posibilidad ng pananabotahe at human intervention sa naturang insidente. Sa ngayon ay tinitignan pa ng mga ito ang iba pang posibleng angulo sa pagkakahiwalay ng tren ng MRT.

Inaasahan naman na mailalabas nila ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa susunod na buwan.

 

( Joan Nano / UNTV Correspondent )

Tags: , ,