Amnesty period para sa ‘di dokumentadong mga banyaga, pinalawig pa ng Saudi Arabia

by Radyo La Verdad | July 3, 2017 (Monday) | 9595


Pinalawig pa ng pamahalaan ng Saudi Arabia ang amnesty period nito para sa mga undocumented expatriate o foreigner na overstaying doon.

Noong June-30 dapat ang katapusan ng 90-day amnesty period ngunit pinahaba ito ng hanggang sa July-24, 2017. Marso-29 nang magdeklara ng amnesty ang gobyerno ng Saudi.

Mahigit labing apat na libong undocumented filipinos ang nagpa-rehistro sa Philippine Embassy sa Riyadh at Philippine Consulate General sa Jeddah, ngunit mahigit limang libo pa lamang ang nakauwi.

Sinumang hindi makasunod at maka-kumpleto ng requirements para sa amnestiya bago ang katapusan ng deadline ay maaaring pagmultahin, ikulong o ipa-deport.

Tags: , ,