Amerika, nababahala sa pagtatayo ng China ng dalawang lighthouse sa West Phil. Sea

by Radyo La Verdad | May 27, 2015 (Wednesday) | 1616

File photo
File photo

Nagpahayag ng pagkabahala ang ilang opisyal ng Estados Unidos dahil sa pagtatayo ng dalawang lighthouse ng China sa West Philippine Sea.

Ayon kay White House Spokesman Josh Earnest, sinabi ni US President Barack Obama na maituturing nang kritikal ang sitwasyon sa pinag-aagawang teritoryo.

Apektado na nang reclamation ng China ang ekonomiya ng buong mundo dahil mahalaga ang papel na ginagampanan ng Free Flow of Commerce sa nasabing lugar.

Bukod dito, malalagay din sa panganib ang National Security ng Amerika dahil isa ito sa mga bansang may responsibilidad na pangalagaan ang kalakalan sa naturang teritoryo.

Kamakailan ay nagpalipad ng Spy Plane ang U.S. malapit sa reef na mariing binatikos ng China

Tags: , , ,