Nagkasundo na ang Amerika at Russia sa isang ceasefire agreement sa Syria epektibo sa Pebrero 27.
Sa joint statement nakasaad sa kasunduan na pansamantalang ititigil ng Syrian government at ng mga kaalayado nito ang pagatake sa mga opposition forces.
Pinagbabawalan rin ang paggamit ng mga rockets, mortars, at anti-tank guided missiles.
Ngunit hindi kasama sa kasunduan ang mga terrorist groups gaya ng Islamic State at Nusra Front.
Nasa nilagdaang kasunduan ang patuloy na pagsasagawa ng mga pagatake at airstrikes laban sa dalawang teroristang grupo.
Aabot na sa kalahating milyong tao na ang nasawi at nasa labing isang milyong residente ang lumikas simula na sumiklab ang civil war sa Syria limang taon na ang nakakalipas.
Tags: Amerika, ceasefire plan, Russia, Syria