Ambulansya at tricycle, ipinagkaloob ng UNTV at MCGI sa Brgy. Sampaloc, Apalit, Pampanga

by Radyo La Verdad | April 26, 2017 (Wednesday) | 5357


Isa sa mga suliranin ng mga residente sa Barangay Sampaloc, Apalit, Pampanga ang kawalan ng ambulansya.

Ang barangay ay may populasyon na mahigit labing isang libo na karamihan ay mga mahihirap.

Ayon kay Kapitan Melencio Catu, sa tuwing may nangangailangan ng agarang atensyon medikal tanging ang patrol vehicle ng barangay ang nagagamit na transportasyon patungong ospital.

Bunsod nito, humingi ng tulong si Kapitan Catu kay Kuya Daniel Razon na agad namang tinugon.

Sa tulong ng Members Church of God International, hindi lamang ambulansya ang ipinagkaloob ng UNTV sa mga taga Barangay Sampaloc.

Kundi mayroon ding bagong tricyle na magagamit sa pagpapatrulya ng mga barangay tanod.

Kaalinsabay nito, nagsaggawa rin ng medical mission ang grupo sa barangay.

Umabot sa mahigit sa tatlong daang mga Kabalen natin ang napaglingkuran sa iba’t-ibang serbisyo medikal, optikal at dental, mayroon ding mga natulungan sa kanilang problemang legal.

(Joshua Antonio)

Tags: , , , , ,