Alokasyon ng tubig sa Metro Manila muling binawasan ng NWRB dahil sa patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat dam

by Erika Endraca | June 19, 2019 (Wednesday) | 1861

MANILA, Philippines – Tinatayang aabot sa mahigit 1 milyong customer ng Maynilad at Manila Water ang makararanas ng mahinang pressure hanggang sa mawawalan ng suplay ng tubig simula kagabi (June 18)

Ito’y matapos na muling bawasan ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila.

Mula sa dating 46 cubic meter per second ibinaba na lamang sa 40 cms ang tubig na ibibigay ng nwrb sa Metropolitan Water Works and Sewerage System (MWSS).

“Ito po yung gusto natingimanage although limited yung allocation nabinibigaynatin this is part of the contingency plan,to manage the limited water supply saangat” ani Nwrb Executive Director, Dir.Servillo David.

Bunsod nito pinaghahanda na ng maynilad at manila water ang kanilang mga customer sa mas mahabang oras ng water service interruption.

“Of the 70 percent 20 percent po ditoyungseverly affected meaning posiblenghanggang 8 hours lamangsila may tubigsamaghapon at yung remaining 50 percent po ay 9 hours to 16 hours langyung supply window niya” ani Maynilad  Water Supply Operations Head, Ronald Padua.

 “We are looking at window of 4 to 17 hours water service interruptions per da” ani Manila Water Communications Planning and Tactical Development Manager, Dittie Galang.

Inatasan ng mwss ang mga water concessionaire na maglabas na ng kumpletong listahan at oras ng mga lugar na mawawalan ng tubig upang makapaghanda ang mga customer.

Binabalaan rin nito ang maynilad at manila water na pagmumultahin kung hindi masusunod ang ibibigay na schedule ng water service interruptions sa mga customer.

“Kung ano yung iprinomise nila na delivery dapat maka deliver sila on time hindi pwede yung itoy ung sinabi nila tapos mawawala ang tubig on that time” ani MWSS Administrator, Ret.Gen Reynaldo Velasco.

Para sa kumpletong listahan ng mga lugar na mawawalan ng tubig, maari itong malaman sa mga social media site ng maynilad at manila water.

Iginiit ng mga ito sa mga customer, magipon lamang ng sapat na tubig na gagamitin upang hindi naman kapusin ang reserbang suplay.

Tulad na lamang nang nangyari noong marso kung saan halos dalawang linggo na nawalan ng tubig ang mga customer ng manila water dahil sa panic kaya’t nagipon ng sobrang tubig.

Nakiusap rin ang mwss sa publiko na kung maari ay iwasan muna ang paggamit ng tubig kung hindi naman gaanong kailangan tulad na lamang sa carwash, pagdidilig ng halaman at madalas na paglalaba ng mga damit upang makatipid sa tubig

(Joan Nano | Untv News)

Tags: , ,