Manila, Philippines – Tuloy ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na maghanap ng pribadong shipping company na babayaran ng gobyerno para maibalik sa Canada ang mga basurang iligal na ipinasok sa bansa.
Ito ay sa kabila ng ulat na nakakuha na ang Canadian government ng private firm na kukuha sa tone toneladang basura sa Pilipinas bago matapos ang Hunyo.
Ayon kay Presidential Spokeperson Salvador Panelo, nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na matanggal ang naturang mga basura sa lalong madaling panahon.
Samantala, nais din ng palasyo na ibalik sa australia ang napaulat na shipment ng basura na ipinasok sa Pilipinas mula sa naturang bansa.
Batay sa ulat, naharang ng Bureau of Customs (BOC) sa Misamis Oriental ang 7-container ng shredded municipal waste na inimport ng isang broker na ginagamit umanong alternative fuel sa paggawa ng semento.
“Di ba sabi nila it will take end of june pa? Hindi papayag si president dun. And i understand from secretary dominguez that malapit nang ipadala. The trash will be sent back the soonest. Per the usec. Of parang may nagreport sa kaniya na ginagawa na nila.” we will not allow ourselves to be a dumping ground of trash.” ani Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal counsel Sec. Salvador Panelo
(Rosalie Coz | Untv News)
Tags: Canada, Canadian gov’t, Malacañang