Nagpasya ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ibaba sa alert level 3 ang babala ng Bulkang Mayon.
Kasunod ito ng patuloy na pagkaunti ng aktibidad ng bulkan. Pahihintulutan na rin ng lokal na pamahalaan ng Albay na makauwi ang may 55,000 evacuees na nakatira sa 8-kilometer extended danger zone sa palibot ng bulkan.
Mananatili naman sa mga evacuation centers, ang mahigit sa dalawang libong pamilya na nakatira sa 6-kilometer permanent danger zone at 7-kilometer extended danger zone.
Ito ay hanggat hindi naibababa sa alert level 2 ang babala ng bulkan.
( Allan Manansala / UNTV Correspondent )
Tags: Albay, alert level 3, Bulkang Mayon
METRO MANILA – Pinag-aaralang mabuti ng Office of Civil Defense (OCD) ang posibleng pagbabawal nang permanente sa paninirahan sa loob ng 6 kilometer permanent danger zone ng bulkang Mayon.
Ayon sa ahensya, mapanganib na umano sa mga residente ang bumalik pa sa kanilang tahanan dahil sa madalas na pag-aalboroto ng bulkan.
Pero kailangan pa itong pag-usapang mabuti dahil marami ang dapat isinasaalang-alang gaya ng kabuhayan ng mga residente lalo na’t karamihan sa kanila ay pagsasaka ang ikinabubuhay.
Sa ngayon ay sapat umano ang pondo para sa 90 araw o 3 buwan.
Nasa P1.3-B ang inilaan ng pamahalaan para sa pagkain, hygiene kit at iba pang pangangailangan ng mga nilikas na residente.
Pangamba ngayon ng OCD kung aakyat pa sa Alert level 4 o mas mataas pang alerto ang bulkan ay dodoble ang kailangang ilikas dahil lalaki ang sakop ng danger zone.
At dahil panahon na ng tag-ulan malaking banta rin kung sasabayan ng pagbaha ang pag-aalboroto ng bulkan.
Tags: Bulkang Mayon, danger zone, OCD
METRO MANILA – Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may sapat na pondo ang pamahalaan upang tugunan ang pangangailangan ng mga pamilyang apektado sa patuloy na aktibidad ng bulkang Mayon.
Ayon sa pangulo, walang problema sa budget ngunit dapat rin aniyang tingnan ang iba pang tulong na maaaring ibigay sa mga residenteng lumikas mula sa paligid ng Mayon.
“In terms ng actual na gastos alam ko may budget tayo ang sinasabi ko ang instruction ko sa kanila pag-aralan nilang mabuti hindi basta bigay kayo ng bigay ng pera kailangan tingnan niyo kung ano ang problema para maayos natin ung may problema sila.” ani Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay PBBM, dapat ring pagtuunan ng pansin ang kalagayan ng mga batang hindi nakapag-aaral at maging ang kalagayan ng kanilang magulang.
Tags: Bulkang Mayon, Ecvacuees, evacuees, PBBM
Ipinaliwanag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na ang nakitang tila puting guhit sa dalisdis ng Bulkan Mayon sa Albay ay mga volcanic deposits sa naghalo sa tubig ulan kaya’t umagos ito sa paanan ng bundok.
Gayun man, nagpaalala pa rin ang Office of Civil Defense 5 sa local government unit ng mga bayang nasa paligid ng bulkan na maging alerto sa mga posibleng mangyari kung patuloy na magkakaroon ng pagaagus ng maraming tubig sa Mayon.
Patuloy din ang koordinasyon ng ahensya sa PHIVOLCS maging sa Albay Public Safety and Emergency Management Office hinggil sa kalagayan ng bulkan ngayong patuloy itong kinakikitaan ng aktibidad.
Nananatili pa rin sa ngayon sa alert level 1 ang Mt. Mayon.