Alert level ng Bulkang Mayon, posibleng ibaba na ngayong linggo

by Radyo La Verdad | February 21, 2018 (Wednesday) | 2346

Sa nakalipas na dalawang araw, huminto ang pag-angat ng magma sa Bulkang Mayon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, walang bagong supply ng magma mula sa bulkan. Pero tuloy-tuloy pa rin sa paglabas ng lava ang Mayon dahil walang nakakasagabal dito.

Ang galaw ng magma ang pinaka importanteng batayan ng PHIVOLCS upang masabi kung may mangyayaring malakas na pagsabog. Dito rin nagbabatay ang ahensya kung dapat ng ibaba ang alert level ng bulkan.

Tuluyan ng hindi aangat ang magma posibleng ng ibaba ang babala ng bulkan sa alert level 3 ngayong linggo.

Kapag nag-level 3, lahat ng nakatira sa extended 8-kilometer danger zone ang maaari pa lamang makabalik sa kanilang tahanan.

Pero ayon sa PHIVOLCS, nagsasagawa pa sila ng re-evaluation sa estado ng Mayon. Bukas ay matatapos na ng ahensya ang re-evaluation sa bulkan.

Napansin rin ng PHIVOLCS na may nasirang bahagi sa crater ng Mayon at dito ngayon patuloy na lumalabas ang lava.

Ang daloy ng lava ay nakaharap sa Southeast o sa Legazpi City. Subalit paglilinaw ng PHIVOLCS na malabong umabot sa lungsod ang lava flow.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

Tags: , ,