Mariing itinanggi ng Malacañang ang napabalitang planong manipulasyon nito sa darating na halalan.
Reaksiyon ito ng Malacañang sa sinabi ni United Nationalist Alliance (UNA) Spokesman Mon Ilagan na kaya pinahihintulutan ng Malacanang na manatili sa puwesto ang anim na opisyal ng National Printing Office (NPO), na kinasuhan ng ombudsman, ay dahil bahagi aniya ito ng plano ng kasalukuyang administrasyon na kontrolin ang 2016 elections.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., wala aniyang kinalaman sa eleksyon ang kaso ng anim na opisyal.
Subok na aniya ang kakayahan ng pamunuan ng NPO at may integridad ang mga opisyal at proseso nito.
Ang NPO ang karaniwang nag-i-imprenta ng official ballots at sa February 8 ay nakatakda nitong tanggapin ang huling job order mula sa COMELEC para sa mga balotang gagamitin sa darating na halalan.
(Jerico Albano / UNTV Correspondent)