Hindi pipigilang makapasok ng pamahalaan na pumasok sa Pilipinas si Agnes Callamard, ang United Nations Special Rapporteur on extrajudicial killings or summary execution. Ito ay kung mamamasyal lamang siya sa bansa bilang isang turista ayon sa Malacañang.
Gayunman, nag-iwan naman ng patutsada ang opisyal sa naturang UN rapporteur at inanyayahan itong lumangoy sa Ilog Pasig.
Una nang sinabi ni Roque na bukas ang Duterte administration kung magkakaroon ng imbestigasyon sa anti-drug war ng pamahalaan, liban na kay Callamard dahil sa pagiging bias at conclusive umano nito.
Hindi rin pahihintulutang makipag-usap ang magsasagawa ng pag-iimbestiga sa mga tauhan ng pulisya at militar gaya ng sinabi ni Pangulong Duterte.
Magrerekomenda naman si Roque sa pangulo ng isang rapporteur na maaaring magsagawa ng pagsisiyasat sa war on drugs ng administrasyon.
( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )
Tags: Agnes Callamard, ilog Pasig, Malacañang