Agnes Callamard, hindi pa rin pahihintulutang mag-imbestiga sa anti-drug war ng Duterte administration

by Radyo La Verdad | February 28, 2018 (Wednesday) | 4706

Hindi pa rin pahihintulutan ng Malacañang na mag-imbestiga sa anti-drug war ng Duterte administration si United Nations Special Rapporteur on extrajudicial or summary execution Agnes Callamard.

Ginawa ni Roque ang pahayag kasunod ng panawagan ni Iceland Foreign Affairs Minister Gudlaugur Thor Thordarson na dapat ay pahintulutan ng Philippine Government ang special rapporteur na magsagawa ng assessment sa anti-drug war na walang kondisyon at limitasyon.

Subalit ayon kay Roque, hindi pwedeng obligahin ang Pilipinas na pahintulutan ang anomang imbestigasyon.

Magrerekomenda naman si Roque sa punong ehekutibo ng isang rapporteur na maaring magsagawa ng pagsisiyasat sa war on drugs ng administrasyon.

Samantala, sa talumpati ng Pangulong Duterte sa Davao City, muling niyang iginiit na hindi ititigil ang war on drugs sa ilalim ng kaniyang termino kahit magsagawa pa ng imbestigasyon dito ang International Criminal Court (ICC).

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,