AFP, nanawagan sa publiko na ugaliin ang konsepto ng tinatawag na “shared responsibility in security”

by Radyo La Verdad | July 20, 2017 (Thursday) | 3347


Hindi lamang trabaho ng mga uniformed personnel ang pagbabantay ng seguridad.

Ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla Jr, ang kaligtasan ng komunidad ay responsibilidad ng bawat isa.

Kaya naman, palawigin man o hindi ang batas militar sa Mindanao, nananawagan ang AFP sa publiko na ipagpatuloy ang kooperasyon nito upang matiyak ang seguridad.

Ayon kay Padilla, kailangan maging alerto, mapagmasid at mapagbantay ang bawat isa upang hindi makaporma ang mga nais manggulo o gumawa ng masama.

Bagamat wala pa naman aniya silang namo monitor na banta sa seguridad sa mga pangunahing lungsod sa bansa ay mas makabubuti pa ring maging laging handa.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: , ,