Nagsasagawa ang Armed Forces of the Philippines ng table top exercises bilang bahagi ng oplan “Pagyanig”.
Nagsisilbing alternate AFP Command Center kung saan nakahimpil ang war gaming facility ng AFP General Headquarters.
Kasabay ng isinagawang nationwide earthquake drill ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, nagsasagawa rin ng table top exercises ang AFP nagsimula pa noong a-beinte dos at matataposbukas a-beinte kwatro ng Hulyo.
Dito ay sinasanay ang mga pangunahing military personnel kabilang ang battle staff at operations officers ng Major Services at Unified Commands ng AFP.
Layunin nitong subukin ang contingency plan ng AFP sa oplan “Pagyanig” at bilang suporta sa oplan yakal ng Metro Manila Development Authority o MMDA.
Ayon sa AFP, mahalaga ang mga pagsasanay para sa maayos na pagtugon ng mga frontline responder sakaling tumama ang isang malakas na lindol sa Metro Manila.
Kabilang sa table top exercises na ginagawa ang Command Post at Communication Electronics Exercises sa war gaming facility ng AFP.
Bagaman tiwala ang afp na sapat ang kapasidad ng communication facilities nito sa pagtugon sa kalamidad, kinakailangan naman itong dumaan sa maraming beses na pagsasanay.
Tags: AFP Command Center