AFP, nagbigay-babala sa mga sundalong magpapahayag ng kanilang pagkiling sa mga kandidato sa 2016 national elections gamit ang social media

by Radyo La Verdad | January 12, 2016 (Tuesday) | 2546

AFP
Hindi pinahihintulutan ang sinumang sundalo ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas na magpost, magshare o kahit maglike ng anumang post sa social media na may kinalaman sa pagkiling o promosyon sa sinumang kandidato o partido sa 2016 national elections.

Dahil itinuturing itong pagiging partisan o political na ipinagbabawal sa mandato ng mga sundalo.

Pagkatanggal sa serbisyo ang pinakamabigat na parusang kakaharapin ng isang tauhan ng militar na napatunayang lumabag sa regulasyong ito.

Bukod sa pag-aalis ng lahat ng benepisyo at civil case na maaaring kaharapin sa korte.

At kahit isang batallion commander, maaaring magrekomendang magtanggal ng kaniyang subordinate na kumiling sa sinumang kandidato.

Gayunpaman, hindi ipinagbabawal sa mga kawal na bumoto at pumili ng napupusuan nilang kandidato sa paparating na elections.

Lalo na at mismong hepe ng AFP ang humihikayat sa bawat sundalo na bumoto.

Subalit bawal na i-promote nila ang kanilang preperensya sa publiko.

Nilinaw naman ng afp na wala pa namang naitalang sundalong napatalsik sa pwesto dahil sa pagiging political nito liban na sa mga nasa active service na kumandidato noong nakalipas na mga eleksyon.

(Rosalie Coz/UNTV News)

Tags: ,