AFP modernization, umani ng mataas na puntos sa mga nagawa ng Administrasyong Aquino- Sen. Trillanes

by Radyo La Verdad | July 28, 2015 (Tuesday) | 3065

SEN TRILLANES
Ipinagmalaki ni Pangulong Benigno Aquino the third sa kaniyang huling State of the Nation Address kahapon ang modernisasyong inumpisahan ng kaniyang administrasyon sa Armed Forces of the Philippines.

Ayon sa dating Pangulo at AFP Chief of Staff na si Fidel V. Ramos, marami pang maaaring magawa ang administrasyong Aquino para sa seguridad ng bansa.

Dapat ding ipagpatuloy ng mga susunod na administrasyon ang mga nagawa na ng kasalukuyang pangulo ng bansa.

Binigyan naman ni dating Philippine Navy Officer at ngayo’y Chairman ng Senate Committee National Defense and Security na si Senador Antonio Trillanes the fourth ng eight out of ten points si Pangulong Aquino pagdating sa AFP Modernization.

Aniya, ramdam ang mga ginawa ng pamahalaan para sa kapakanan ng mga sundalo.

Para naman sa Chairman ng Philippine Government Peace Panel na si Professor Miriam Coronel-Ferrer, matagal nang dapat na natutukan ang pagsasa-moderno sa AFP.

Wala rin aniyang problema kung nagawang pagsabayin ng administrasyong Aquino ang usaping pangkapayapaan sa MILF at ang issue sa modernisasyon ng sandatahang lakas ng Pilipinas.

Tags: ,