METRO MANILA – Hindi na pina-isa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Cavaliers ang Judiciary Magis sa Game 2 ng best-of-three finals upang makuha ang ika-apat na UNTV Cup title.
Mula sa early lead ng Magis sa unang 6 na minuto ng first quarter, nabawi ito ng Cavaliers sa 8-0 run upang agawin ang liderato sa score na 13-11.
Magmula nito ay umalagwa na at lumayo ang lamang ng Cavaliers sa mga sumunod na quarter na hanggang tumunog ang final buzzer sa score na 79-63.
Dahil sa panalo, nakuha ng AFP ang Final Series sa 2-0 dahilan upang makuha ang championship sa pangunguna ng kanilang Finals MVP na si Darwin Cordero.
Bukod sa trophy, ₱3 million tax-free ang natanggap ng AFP Educational Benefit System Office na siyang beneficiary ng AFP samantalang ₱2 million naman ang mapupunta sa Judiciary Magis na itutulong sa mga empleyado ng hudikatura na nasalanta ng kalamidad.
(Judren Soriano | La Verdad Correspondent)