METRO MANILA – Nais tutukan ng administrasyong Marcos ang reforestation o pagtatanim ng mga puno.
Kaugnay nito, nasa hanggang 2 milyong ektaryang lupa ang planong taniman ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Bahagi ito ng napag-usapan ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga at Pangulong Ferdinand Marcos Junior tungkol sa pagkakaroon ng epektibong programa at pangangalaga sa kalikasan.
Ayon sa kalihim, kailangan ng katulong ng gobyerno para muling mabuhay ang mga kagubatan sa bansa.
Sa pulong sa malakanyang nitong June 27, ipirinirisinta ng kagawaran kay PBBM ang bagong national natural resource Geospatial Database Office (GDO) na tutukoy sa mga likas na yaman ng Pilipinas tulad ng lawak ng kagubatan ng bansa at river basins sa tulong ng satellite imagery.