Administrasyong Duterte napanatili ang Very Good Satisfaction Rating batay sa pinakahuling SWS Survey

by Erika Endraca | November 8, 2019 (Friday) | 18743

METRO MANILA – Napanatili  ang  Very Good net satisfaction rating ng Administrasyong Duterte na 67%  batay sa 3rd Quarter survey ng Social Weather Stations (SWS). Ibig sabihi 3 sa bawat 4 na Pilipino ang kontento pa rin sa pamamalakad ng pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Bagaman bumaba ng anim na puntos sa excellent rating na seventy three (73) percent noong june 2019, nananatiling marami pa rin ang mga pilipinong satisfied sa performance ng national administration.

Batay sa survey, partikular na Very Good ang administrasyon sa pagtulong sa mga mahihirap, pagbibigay ng impormasyon na kailangan ng mga mamamayan para suriin ng mabuti ang ginagawa ng gobyerno, at pagkakaroon ng malinaw na mga patakaran.

Excellent ang nakuhang grado ng Duterte Administration sa Metro Manila subalit bumaba sa Mindanao, Balance Luzon, at Visayas. Ginawa ang survey noong September 27-30, 2019 sa pamamagitan ng 1,800 respondents sa buong bansa.

Ayon sa Malacañang, ang pinakahuling survey ay nagpapakitang may kakakayahan ang mga mamamayang tukuyin ang katotohanan sa kabila ng patuloy na pamumulitika ng oposisyon laban sa administrasyon.

Samantala, hindi umano prayoridad ni Pangulong Duterte ang pagkakaroon ng mataas na rating, at mananatiling  ang sukatan ng marapat na pamamahala ay ang pagganap ng tungkuling ipinagkaloob sa kaniya.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,