Access Device Fraud, itinuturing ng Heinous Crime sa ilalim ng bagong batas na nilagdaan ng Pangulo

by Erika Endraca | September 26, 2019 (Thursday) | 5021

MANILA, Philippines – Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act Number 11449 na nagpapataw ng mas mabibigat na parusa sa Access Device Fraud tulad ng paggawa ng Counterfeit Access Devices, Card Skimming, at Hacking.

Sa ilalim ng bagong batas itinuturing na ang Access Device Fraud na isang uri ng economic sabotage at karumal-dumal na krimen at ang sinomang mapatunayang lumabag ay maaring patawan ng pagkakakulong na hindi bababa sa 4 hanggang 20 taon o di kaya ay habambuhay na pagkakabilanggo.

Pagmumultahin din ang mga nagkasala sa batas na ito ng hindi bababa sa P500,000 hanggang P5-M.

Tags: ,