Aangkating bigas ng NFA, nagkakahalaga ng P5.6B

by Radyo La Verdad | July 7, 2017 (Friday) | 2309


Nagkakahalaga ng 5.6 billion pesos ang 250k MT na aangkating bigas ng bansa.

Ayon sa NFA o National Food Authority, bukas ang bidding sa mga pribadong exporter sa loob at labas ng bansa dahil government to private ang importation scheme na inaprubahan ng NFA council.

Ilan sa mga dating sumasama na sa bidding ay ang mga bansang Thailand, Vietnam, Cambodia at Pakistan.

Dapat ay well milled ang klase ng bigas kung saan 25% brokens long grain white rice na katulad ng ibinibenta ng NFA sa merkado na nagkakahalaga ng p32 kada kilo.

Inaasahang darating ang 120k mt sa agosto habang ang 130k mt naman ay sa setyembre.

Sa ngayon ay nasa pang-6 na araw na lamang ang buffer stock ng NFA.

Dapat sana ay katumbas ng pang-30 araw na supply ng buong bansa ang naka-imbak sa kanilang mga bodega kapag buwan ng Hulyo.

Ipinaubaya na ng NFA council ang ibang importasyon sa pribadong sektor.

Tiniyak naman ng NFA na makakapa-supply sila ng bigas sakaling may lugar sa bansa na tatamaan ng bagyo o kalamidad.

( Rey Pelayo / UNTV Correspondent)

Tags: ,