Nakabalik na ng Pilipinas ang 91 na overseas Filipino workers mula sa Yemen.
Dalawang eroplano na lulan ng mga OFW ang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Ang unang batch na may 69 OFW ay dumating bandang 3:40 Huwebes ng hapon habang ang ikalawang batch naman na binubuo ng 22 pang OFW ay lumapag sa terminal bago mag-alas 5:00 ng hapon.
Sinalubong naman sila ng mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) at overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Mayroon nang mahigit 400 OFW mula sa Yemen ang nailikas na ng pamahalaan patungong Saudi Arabi kung saan doon naman pinoproseso ang kanilang pagbiyahe patungo dito sa bansa.
Kasalukuyan pa rin nakataas ang crisis alert level 4 o mandatory repatriation dahil sa patuloy na tensyon sa bansa.