900 mga residente sa Tanuan Batangas, benipisyaryo ng medical mission ng MCGI, UNTV at Lions Club

by Radyo La Verdad | September 13, 2018 (Thursday) | 10027

Halos isang buwan nang hindi mawala wala ang ubo at sipon ni Alisandro Braganza sa hindi niya malamang dahilan. Kumunsulta naman aniya siya sa mga doktor subalit hindi pa rin siya gumagaling.

Kaya naman ng malaman niyang mayroong libreng medical mission ang Members Church of God, UNTV at partner in public service nito na Lions Club sa kanilang lugar sa tanauan Batangas ay hindi siya nagdalawang isip na muling ipakonsulta ang kaniyang sakit.

Nagkaroon sa lugar ng medical at dental consultation, free laboratory services at nakapag-avail din ng libreng gamot ang mga nagpacheck-up.

Ikinatuwa naman ng Lions Club International Tanauan chapter na sa ika-apat na pagkakataon ay tinugon ng MCGI at UNTV ang kanilang hiling na medical mission para sa kanilang mga kababayan.

Napili ng Lions Club ang Barangay Poblacion na pagdausan ng public service  dahil marami anila sa lugar ang walang hanapbuhay at nangangailangan ng atensiyong medikal.

 

( Sherwin Culubong / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,