(File photo from PNPA FB Page)
Pinatalsik na ng pamunuan ng Philippine National Police Academy (PNPA) ang siyam na kadete na nambugbog sa kanilang upperclassmen matapos ang graduation ceremony sa loob mismo ng academy noong ika-21 ng Marso.
Ayon kay PNPA Director Police Chief Superintendent Joseph Adnol, siya mismo ang pumirma sa desisyon na inilabas noong ika-10 ng Agosto.
Binigyan naman ng sampung araw o hanggang bukas ang mga kadete para i-apela ang desisyon.
Bukod sa siyam na pinatawan ng dismissal sa akademya, mayroon pang dalawang kadete ang pinatawan ng suspensyon o turnback at ibinalik sa second year mula third year.
Sa kabuuan ay nasa 42 kadete ang pinatawan ng parusa ng PNPA dahil sa insidente.
Tags: kadete, pinatalsik, PNPA