Resulta ng Senate probe ukol sa Mamasapano incident, ilalabas na mamayang hapon

by monaliza | March 17, 2015 (Tuesday) | 3852

GRACE POE

Magsasagawa ng press briefing si Senador Grace Poe, chairperson ng Committe on Public Order and Dangerous Drugs sa resulta ng kanilang imbestigasyon sa Mamasapano encounter na ikinasawi ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) noong Enero 25.

Dito ipipirisinta ang summary ng committee report. Noong nakalipas na linggo, nangako ang senador sa pamilya ng mga biktima na isusumite niya ang committee report ngayong linggo at walang mangyayaring white wash.

Naniniwala ito na sapat na ang limang public hearing, executive sessions at pitumput tatlong oras na full discussion para sa paghahanap ng hustisya sa pagkamatay ng mga pulis.

Dinaluhan ang Mamasapano probe sa Senado ng 37 resource persons at agencies at base na rin sa mahigit 4,300 na dokumento.

Naniniwala si Poe na mas kumpleto ang kanilang imbestigasyon kumpara sa report ng Philippine National Police-Board of Inquiry dahil mas marami silang nakapanayam na mga tao kaugnay sa insidente.

Inihayag rin ni Poe na lahat ng responsable sa insidente ay papangalanan sa ulat ng komite.

Tags: , , ,