Atlanta Hawks, patuloy na naghahari sa Eastern Conference ng NBA

by monaliza | March 17, 2015 (Tuesday) | 3281
Photo credit: Reuters
Photo credit: Reuters

Reuters – Patuloy na namamayagpag ang Atlanta Hawks sa National Basketball Association ngayong 2014-2015 season dahil sa tinatawag na “selfless style” ng basketball.

Ang Hawks ang kasalukuyang no.1 sa sa Eastern Conference na may win-loss record na 52-14. Ayon kay Atlanta point guard Jeff Teague, isang magandang grupo ang kanilang koponan at walang problema sa kanila kung sinuman ang magstep-up sa bawat laban na kanilang kinahaharap.

Partikular na pinuri ni Teague ang malaking papel na ginagampanan ni Coach Mike Budenholzer sa paghubog nito na gawing championship contender ang Atlanta Hawks.

Sa ilalim ng sistema ni Budenholzer, binibigyan diin nito ang ball-sharing, paghanap sa ‘open man’ at mala-lintang depensa.

Bago naging head coach ng Atlanta si Budenholzer, nanilbihan ito ng 18 taon sa San Antonio Spurs bilang video coordinator at assistant coach bago ito kinuha ng Hawks noong 2013 season.

NBA round up
76ers 89 – Celtics 108
Nets 122 – Timberwolves 106

Tags: , , , , , ,