80,000 miyembro ng KMU, makikiisa sa Labor Day protest bukas

by Radyo La Verdad | April 30, 2018 (Monday) | 3038

Dutertemonyo, simbolo ng napakong pangako ng pangulo hinggil sa kontrakwalisasyon.

Ito ang effigy na ibibida ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at iba pang militanteng grupo sa isasagawang Labor Day protest bukas, araw ng paggawa.

Ayon sa KMU, nasa walumpung libong raliyista ang makikiisa sa protesta na mag mamartsa mula Kalaw at Welcome Rotonda patungong Mendiola.

Susunugin din ng mga militante ang effigy bilang pagpapakita ng galit sa hindi pagtupad ng pangulo sa kaniyang pangako.

Bukod sa Metro Manila, may kasabay rin na kilos-protesta na isasagawa sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Kaugnay nito, itataas sa hightened alert status ang Pambansang Pulisya bukas.

Ayon kay PNP Chief PDG Oscar Albayalde, bahala na ang mga regional directors na magtaas nang alerto base sa assessment sa kanilang mga nasasakupan.

Sampung libong pulis din ang kanilang ipakakalat bukas para mapanatili ang kaayusan.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

Tags: , ,