80% ng mga inimbitahan sa unang SONA ni PBBM, kumpirmadong dadalo

by Radyo La Verdad | July 21, 2022 (Thursday) | 8830
Photo Courtesy: Presidential Communications

METRO MANILA – Walumpung porsyento (80%) na ng mga inimbitahan sa unang ulat sa bayan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Junior ang nagbigay na ng kumpirmasyon, na sila ay dadalo nang pisikal sa State of the Nation Address (SONA).

Ayon kay House of Representatives Secretary General Mark Llandro Mendoza, kabilang doon ang mga dating pangulo ng Pilipinas na sina Joseph Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo.

Nagpasya na ang pamunuan ng Batasang Pambansa na gawing face-to-face ang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes, June 25.

Mahigit 1,000 ang inimbitahan ng House of Representatives.

Kinabibilangan ang mga ito ng mga dating presidente ng bansa, diplomatic cor, mga miyembro ng gabinete ng pangulo, mga gobernador at mga justices.

Magiging gaya ng naging seremonya ng kanyang inauguration ang SONA ni Pangulong Bongbong sa Lunes.

Mahigit ang ipatutupad sa security at health protocols sa loob ng plenary hall ng HOR.

Ang mga hindi makadarating nang pisikal ay maaaring dumalo online.

Pinaplano na rin na isagawa ang mga sesyon sa House of Representatives nang face-to-face na rin.

Tags: ,