Minamadali na ng pamahalaan ang pag-uupgrade ng walong regional airport sa bansa upang makapag-accommodate na ang mga ito ng flights kahit na sa gabi.
Ayon kay Makati City Representative Luis Campos Jr., isa umano sa dahilan kung bakit congested na ang Ninoy Aquino International Airport ay dahil naiipon sa araw ang mga flight patungo sa mga probinsya.
Aniya, batay sa ulat ng Department of Transportation sa Kamara, kabilang sa mga airport na ia-upgrade ang nasa Naga Camarines Sur, Tuguegarao, Cauayan, Dumaguete, Dipolog, Cotabato, Pagadian at Ozamiz.
Nagsasagawa na umano ng rehabilitasyon sa runway at terminal facilities ng mga paliparan.
Sa 42 paliparan sa bansa, 19 lang ang may kakayanang tumanggap ng byahe ng eroplano sa gabi.
Tags: 8 regional airport, Department of Transportation, upgrade