METRO MANILA – Naniniwala ang 76% o halos 8 sa bawat 10 mga Pilipino ang nasa tamang direksyon ang Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Junior.
Batay ito sa 1st quarter tugon ng masa survey ng Octa Research Group na ginawa noong March 24 hanggang March 28, 2023.
Mataas pa rin itong maituturing pero, kumpara sa sinundang survey noong October 2022, mula sa 85% bumababa ng 9% ang dami ng mga naniniwalang nasa tamang direksyon ang bansa sa ilalim ng Marcos administration.
10% naman ang hindi naniniwalang nasa tamang direksyon ang bansa sa ngayon. Habang 13% ang undecided o walang tugon.
Ginawa ang survey sa 1,000 at 200 respondents gamit ang face-to-face interviews.
Tags: Octa Research, survey