718, napaglingkuran sa medical mission ng UNTV, at MCGI sa San Mateo Rizal

by Radyo La Verdad | November 6, 2018 (Tuesday) | 4840

Patuloy ang isinasagawang medical mission ng Members Church of God International (MCGI), Kamanggagawa Foundation Incorporated (KFI) at UNTV sa iba’t-ibang bahagi ng bansa at maging sa ibayong dagat.

Noong ika-23 ng Oktubre, ang mga kababayan naman natin sa Guitnang Bayan 1 sa San Mateo, Rizal ang dinayo ng grupo.

Si Mang Casimiro, nalaman ang tungkol sa libreng serbisyong hatid ng grupo dahil sa kanyang anak na overseas Filipino worker (OFW) sa Qatar.

Nabasa umano nito sa social media ang abiso ng tungkol sa isasagawang medical mission.

Si Aling Teresa naman, ikinatuwa na nagkaroon ng libreng serbisyo sa kanilang lugar dahil hindi na aniya kailangang dalhin sa malayo ang asawa niyang stroke patient upang maipacheck-up ito.

Umabot sa mahigit pitong daan ang napaglingkuran ng libreng medical, pediatric, dental check-up, at laboratory tests gaya ng ECG at CBG na hatid ng grupo.

Samantala, binisita rin ng grupo ang mga persons deprived of liberty (PDL) sa Urdaneta City Jail upang mapaglingkuran din ang mga ito.

Katuwang ng grupo sa isinagawang medical mission ang Department of Health (DOH).

Umabot sa dalawang daan at walumpu’t dalawang mga inmates ang natulungan sa libreng serbisyo na ito.

 

( Jennica Cruz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,