7 Bilateral Agreements, lalagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Japan

by Radyo La Verdad | February 2, 2023 (Thursday) | 5477

METRO MANILA – Inaasahang malalagdaan ang 7 kasunduan sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior sa Japan mula February 8-12 .

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Nathanial Imperial,  ang bilateral agreements na malalagdaan ay may kaugnayan sa imprastraktura, defense, agriculture at information and communications.

Sa February 9, makakaharap ng pangulo kasama si First Lady Liza Marcos si Prime Minister Fumio Kishida.

Bibigyan rin sila ng imperial audience kay Japanese Emperor Naruhito at Empress Masako.

Bukod sa ilang miyembro ng gabinete at mga mambabatas, makakasama sa delegasyon ni Pangulong Marcos Junior ang mga negosyante sa Pilipinas. Ayon sa DFA, ilang kasunduan sa pamumuhunan ang maaaring maiuwi ng pangulo.

Makakapulong rin ni PBBM ang mga Chief Executive Officer ng ilang Japanese shiping companies upang maisulong ang ilang programa para sa kapakanan ng Filipino seafarers.

Bago ang departure ng pangulo pabalik ng Pilipinas,  makakasama rin niya ang Filipino community sa Tokyo.

Samantala, ayon kay DFA Asec Neal Imperial, walang kaugnayan o hindi makakaapekto ang deportation ng Japanese fugitives sa pagbisita ng pangulo sa Japan.

Kamakailan lamang, hiniling ng Japanese embassy ang agarang deportation ng mga Japanese nationals na naaresto sa Pilipinas, kabilang ang isang “Luffy” na nasa likod umano ng serye ng robberies sa Japan.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: ,