METRO MANILA – Nakatanggap ng pinansyal na ayuda mula sa pamahalaan simula nang mag-umpisa ang Covid-19 crisis ang 69% ng mga pamilya sa bansa.
Bahagyang mababa ang porsyentong ito sa 71% noong September 2020 at 72% noong July 2020.
Batay ito sa isinagawang National Social Weather Survey sa 1,500 respondents mula November 21 hanggang 25, 2020.
7% naman ang tumanggap ng pinansyal na tulong mula sa pribadong sektor.
Mas maraming pamilya ang tumanggap ng ayuda sa mga taga-Metro Manila.
Batay sa datos ng SWS, pinakamataas din ang halagang tinanggap ng mga nasa kapitolyo na may average total amount na P11, 172 samantalang 9,300 plus sa balance Luzon, 8,700 plus sa Visayas at sa 6,600 plus sa mga taga-Mindanao.
Sa ulat naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa 17.6M low income families ang nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng first tranche ng Social Amelioration Program (SAP) samantalang 14.1M low income families naman sa second tranche.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: Financial Pandemic, SWS survey