Nagtapos na ang 63 kadete ng Philippine Military Academy Gabay-Laya Class 2016 sa Fort Del Pilar, Baguio City.
Nanguna sa klase ang anak ng government employee na si Cadet 1st Class Kristian Daeve Abiqui na tumanggap ng sampung awards kabilang ang Presidential Saber, Philippine Navy Saber, Australian Defense Best Overall Performance Award, Navy Professional Courses Plaque, Gen. Antonio Luna Award at iba pa.
Si Cadet 1st Class Christine Mae Calima naman ang pumangalawa sa kanilang klase at ang nag-iisang babae na nakapasok sa top 10.
Pumangatlo naman si Cadet 1st Class Arby Jurist Cabrera mula sa Cauayan Isabela, habang nasa ika-apat na pwesto naman si Cadet 1st Class Joseph Stalin Fagsao na tubong Maddela Quirino at ikalima si Cadet First Class Jayson Jess Tumitit na mula Pacdal Baguio City.
Sa 63 nagsipagtapos, 33 dito ang sinabing papasok sa Philppine Army, 13 sa Philippine Airforce at 17 sa Philippine Navy.
Ayon kay PMA Superintendent Major General Donato San Juan II, dumaan ang Gabay-Laya Class 2016 sa pinakamahirap na Ethics Reform Program na ipinatupad sa kasaysayan ng akademiya.
(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)
Tags: 63, Baguio City, kadete, Philippine Military Academy, PMA