6 sa 10 Pilipino, tiwalang matutupad ni President Duterte ang kaniyang mga pangako – SWS

by Radyo La Verdad | July 26, 2016 (Tuesday) | 5266

MADLA
Malinaw na prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsugpo sa krimen at iligal na droga sa bansa.

Ngunit bukod rito, ipinangako rin ng Punong Ehekutibo ang pagsugpo sa kurapsyon, pagpapatigil sa kontraktwalisasyon, paglutas sa problema ng traffic at tax reform.

Ngako rin ito sa mga pulis at sundalo na tataasan ang kanilang sweldo.

Sa isang survey na inilabas ng Social Weather Station ngayong araw, anim sa bawat sampung pilipino ang naniniwala na kayang tuparin ni Pres. Duterte ang kaniyang mga ipinangako sa bayan.

Sa tanong sa mga respondent kung ilan sa kanilang palagay ang posibleng matupad sa mga pangako ni Pangulong Duterte.

Isang porsyento ang nagsabi na wala, 32% ang nagsabi na kakaunti lang, habang ang 63% ay nagsabing lahat, halos lahat o karamihan sa kaniyang mga pangako ay matutupad.

Paliwanag ng SWS hindi na inisa isa sa mga respondent ang mga pangako ng Pangulo dahil layon lamang ng survey ay makuha ang antas ng pag-asa ng taumbayan sa bagong Pangulo.

(Victor Cosare/UNTV Radio)

Tags: