Net satisfaction rating ni VP Binay, Senate President Drilon, House Speaker Belmonte at Chief Justice Sereno bumaba

by Radyo La Verdad | December 22, 2015 (Tuesday) | 4713

DRILON
Bumaba naman ang net satisfaction rating ni Vice President Jejomar Binay.

Batay sa resulta ng fourth quarter survey ng Social Weather Station na lumabas kahapon, 28% ng mga respondent ang dissatisfied sa work perfomance ni Binay kumpara sa 25% noong Setyembre.

Ito na ang pinakamababang satisfaction rating na nakamit ng pangalawang pangulo mula nang maupo siya sa pwesto.

Malaki naman ang binaba na satisfaction rating ni Senate President Franklin Drilon na mula +42 ay bumaba sa +7, pareho namang nakakuha ng -1 net satisfaction rating si Speaker Feliciano Belmonte Jr. at Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

(Nel Maribojoc/UNTV News)

Tags: , , ,