6 sa 10 Pilipino maliit ang tiwala sa China sa gitna na isyu ng teritoryo sa West Philippine Sea- SWS

by Radyo La Verdad | July 9, 2015 (Thursday) | 2168

SWS SURVEY
Nakakuha ang China ng mababang trust rating sa mga bansang pinagkakatiwalaan ng mga Pilipino.

Sa bagong survey ng Social Weather Stations, 62 % ng mga pilipino ang maliit ang tiwala sa China o may net rating na negative 45 o bad rating.

kaugnay ito ng isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

5 naman sa 10 pilipino ang may interes sa mga balitang may kaugnayan sa territorial dispute ng China at Pilipinas.

Samantala muling inihayag ng Malakanyang na hangad pa rin ng Pilipinas na mapalawig ang bilateral relations sa kabila ng on-going oral arguments ng Pilipinas sa arbitral tribunal sa The Hague tungkol sa usapin ng hurisdiksyon sa West Philippine Sea .

Bilang tugon ito ng Malacanang sa pahayag ni Senator Bong Bong Marcos na ang pagtanggi ng pamahalaan sa bilateral talks sa China ay pagsasara ng oportunidad upang maresolba ang isyu sa West Philippine Sea.

Sa pagpapatuloy kahapon ng paglalatag ng argumento ng Pilipinas sa arbitral tribunal natuon ito sa environmental at fishing claims ng bansa sa West Philippine Sea.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, ang oral arguments sa jurisdiction issue ay tatagal hanggang July 13.

Tags: , ,