METRO MANILA – Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nakapagtala ang Pilipinas ng 6.4% economic growith o paglago ng ekonomiya sa unang 3 buwan ng 2023.
Gayunman, mas mababa pa rin ito sa 8.3% na Gross Domestic Product (GDP) growth sa kaparehong panahon noong 2022.
Ayon kay National Statistician Dennis Mapa, main contributors sa paglagong ito ay ang wholesale/retail trade at motor vehicles and motorcycles repairs.
Nakapag ambag din sa economic growth ang financial and insurance activities at “other services”.