5th Joint Maritime Law Enforcement Exercise, sinimulan ngayong araw sa pagitan ng Phil. Coast Guard at Japan Coast Guard

by dennis | May 6, 2015 (Wednesday) | 1631

COAST GUARD

Nagsimula ngayong araw ang 5th Joint Maritime Law Enforcement exercises sa pagitan ng Philippine Coast Guard at Japan Coast Guard.

Dumating din ang mga pinuno ng dalawang Coast Guard mula sa iba’t ibang bansa gaya ng Singapore, China, Bangladesh, Pakistan, Australia at iba pa.

Lulan ng BRP Batangas SARV-004 , mula PCG Headquarters Office ay dumiretso ang mga Coast Guard delegate kasama ang media pasado alas -8:00 ng umaga sa exercise area, 10 nautical miles mula sa PCG warf.

Layon ng joint maritime exercise na ipakita ang pagresponde ng PCG katuwang ang Japan Coast Guard sa nagaganap na piracy at robbery sa karagatan.

Kasama sa marirtime exercise na ito ang PLH22 Yashima, JCG Helicopter Bell 412 at inflatable boats ng Japan para sa search and seizure procedure.(Aiko Miguel/UNTV Radio)

Tags: , ,