51st ASEAN Foreign Ministers’ Meeting and Related Meetings, matagumpay na nagtapos noong Sabado

by Radyo La Verdad | August 6, 2018 (Monday) | 2651

Matagumpay na idinaos ang apat na araw na dialogo sa pagitan ng ASEAN Foreign Ministers at kanilang mga dialogue partner.

Noong Sabado ang huling araw ng 51st ASEAN Foreign Ministers Meeting and Related Meetings na ginanap sa Singapore expo. Kumpleto ang mga foreign ministers ng sampung ASEAN Member State.

Isa sa pinakaaabangang bahagi nito ay ang ASEAN Post Ministerial Conference 10 plus 1 kung saan nagkaroon ng dialogo ang ASEAN sa dialogue partner na Australia, Canada, China, European Union, India, Japan, New Zealand, Republic of Korea, Russian Federation at ang Estados Unidos. Kabilang sa mga pinag-usapan ang ASEAN Smart Cities at multi-lateral trade system.

Nireview ng ASEAN at ng kanilang mga dialogue partner ang naging kooperasyon nila ng nagdaang taon at napag-usapan ang ilan pang possible avenues upang mas paigtingin pa ang kanilang kooperasyon kabilang ang implementasyon  ng kanilang plans of action.

Nagkaroon din ng palitan ng kanilang opinyon ukol sa mga regional at international issues na may kinalaman sa interes ng bawat isa.

Ilan dito ang isyu sa Korean Peninsula, recent development sa South China Sea , Trade, ang Fourth Industrial Revolution at transboundary challenges gaya ng terorismo at cyber threats.

Muli ring binigyang-diin ang mga positive advances na bunga ng Inter-Korean Summit at ng Historic Summit sa pagitan ng Estados Unidos at North Korea.

Pinagtibay din ng mga ministers ang patuloy na pagkakaisa upang labanan ang terorismo kabilang na ang implementasyon ng UN Security Council Resolution 2396, gayundin ang cybersecurity.

Sa ginanap na ASEAN-Russia Ministerial, inaasahan na mas mapagpagtitibay pa ang people to people connectivity sa pamamagitan ng isasagawang 5th ASEAN-Russia Youth Summit at ASEAN-Russia Forum of Young Diplomats na gaganapin sa Pilipinas sa susunod na taon.

Ayon kay Singapore Foreign Minister Vivian Balakrishnan, sa kabuuan any dalawampu’t tatlong pagpupulong ang matagumpay na idinaos sa nakaraang 51st ASEAN Ministerial Meeting and Related Meetings.

 

( Maila Guevarra / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,