500 pabahay para sa mga scout ranger, ipinagkaloob na ni Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | December 11, 2018 (Tuesday) | 12166

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakalaloob ng pabahay sa limang daang miyembro ng scout ranger sa San Miguel, Bulacan kahapon.

Gaya ng naunang ipinangako ng Pangulo, mas malaki ang housing unit kumpara sa mga inukupang pabahay ng grupong Kadamay na para sana mga sundalo at pulis.

Kung dati’y nasa 40 square meter ang lot area, ngayon ay nasa 120 to 150 sqm na ito,  may floor area na 60 square meter na mas malawak kumpara sa dating 20 square meters.

Bawat housing unit ay may dalawang kwarto, isang CR, sala at kusina. May kuryente at tubig na rin ito, bagong pintura ang loob at labas ng mga housing unit.

Ayon sa National Housing Athourity (NHA), sa susunod na taon ay maglalagay na ng paaralan, public market at cover court sa lugar.

Mahipit namang pinagbabawal ang pagtatayo ng mga tindahan sa mga housing unit upang manatili ang desenyo nito. Ang nasabing lupain ay may lawak na limampung ektarya, kaya nitong maglaman ng 1,500 housing unit. Sa Mayo 2019 karagdagan pang 500 pabahay ang ipagkakaloob sa mga sundalo sa nasabing lugar.

 

( Nestor Torres / UNTV Correspondent )

Tags: , ,