5 probinsya sa Central Luzon, umapela sa IATF vs. COVID-19 na isailalim muna sa MECQ sa May 16

by Erika Endraca | May 15, 2020 (Friday) | 7253

METRO MANILA – Liban sa Metro Manila, Laguna province at Cebu City na sasailalim na sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula May 16, 2020, lahat ng Low at Moderate risk areas sa COVID-19 ay sasailalim sa General Community Quarantine o (GCQ) batay sa resolution ng Inter-Agency Task Force (IATF)  kontra Covid-19.

Gayunman, limang probinsya sa Central Luzon o Region III ang umapela sa IATF na isailalim muna sila MECQ

Kabilang dito ang mga probinsya ng Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, at Zambales at ang highly urbanized city ng Angeles na moderate risk areas.

Batay sa kanilang petisyon, ito ay dahil maraming pang pending sa kanilang ng resulta ng COVID-19 test results, mababa ang tested cases at kinakailangan ang transition period sa pagbabago ng quarantine level mula ECQ sa GCQ.

Tiniyak naman ng palasyo na pag-aaralang mabuti ng pamahalaan ang apela ng ilang lokal na pamahalaan kaugnay ng isyu.

Samantala, nilinaw naman ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na ang mga low risk area sa Covid-19 sa bansa ay isasailalim pa rin sa Modified GCQ.

Subalit, kasakulukuyan pang binubuo ng pamahalaan ang mga panuntunan kaugnay nito.

“For simplicity purposes, General Community Quarantine muna sa ngayon po, inaantay pa rin natin yung guidelines, pero for now, pending the guildeines of modified gcq, malinaw naman po ang guidelines sa GCQ, that’s applicable throughout the Philippines except forNCR, Laguna and Cebu City.” ani Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , ,