5 patay, 13 sugatan nang banggain ng truck ang nasa 6 na sasakyan sa Batasan-San Mateo Road

by Radyo La Verdad | October 27, 2017 (Friday) | 5322

Lima ang kumpirmadong patay at labintatlo  ang sugatan nang araruhin ng truck na may kargang bakal  ang anim na sasakyan sa Batasan-San Mateo Road, barangay Batasan Hills kahapon.

Batay sa unang imbestigasyon, nawalan ng preno ang truck na may kargang 60 toneladang bakal. Nakita sa  CCTV footage ng barangay na nagawa pang patigilin ng driver  na si Nilo Calimutan ang minamanehong trailer truck.

Bagama’t nagawang kalsuhan ang gulong ng truck ay umusad pa rin ito  pababa nang  kalsada dahil sa bigat ng kargang mga bakal.

 

Tags: , ,

Mag-asawa at labing-isang taong gulang na anak, patay sa pamamaril ng hindi pa nakikilalang suspek

by Radyo La Verdad | November 23, 2018 (Friday) | 57198

Nabulabog ang mga residente ng Sitio San Roque sa Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City nang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril pasado alas onse kagabi.

Pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek ang tatlong magkakaanak habang magkakatabing natutulog ang mga ito sa loob ng kanilang bahay.

Kinilala ang mga ito na sina Romeo Ado Sr., ang asawa nitong si Christine Ado, at ang labing-isang taong gulang na anak na si Romeo Ado Jr.

Ayon sa mga otoridad, isang witness ang nakakita sa suspek na mag-isang naglakad papunta at paalis sa bahay ng mga biktima. Nagtanong pa umano ang suspek sa saksi bago mangyari ang krimen.

Ilang saglit pa ay hindi bababa sa walong putok ng baril ang narinig mula sa loob ng bahay pamilya Ado.

Nagtamo ang mga biktima ng mga tama ng baril sa ulo at iba pang bahagi ng katawan. Na-recover sa lugar ang mga basyo ng bala ng 9 mm pistol.

Suspetsa ng kaanak ng mga biktima, maaaring may kinalaman ang insidente sa iligal na droga. Bumuo na ng tracker team ang Quezon City Police District na tutugis sa suspek.

 

( Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

3 patay sa panibagong shooting incident sa Amerika; suspek patay din matapos magbaril sa sarili

by Radyo La Verdad | September 21, 2018 (Friday) | 51089

Tatlo ang nasawi, samantalang tatlo naman ang sugatan sa pamamaril ng isang female shooter sa isang rite aid distribution center sa Aberdeen, Maryland USA. Patay din ang suspek matapos magbaril naman sa sarili.

Naganap ang pamamaril Huwebes ng umaga sa Amerika. Kinilala ang female shooter na si Snochia Mosely, 26 na taong gulang na mula sa Baltimore County.

Batay sa mga ulat, isa itong disgruntled employee. Namaril ito sa labas ng gusali ng rite aid at sa katabing warehouse.

Nasa isang libo ang empleyado ng naturang pasilidad ayon sa company spokesman na si Pete Strella.

Nangyari ang pamamaril ilang milya ang layo sa Aberdeen Proving Ground, isang malaking army facility kung saan binubuo at sinusubok ang military technology.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Alcohol, Tobacco, Firearms and Explosives mula sa tanggapan ng Baltimore gayundin ang FBI.

Nangyari ang shooting isang araw matapos mamaril ang isang lalake kung saan nasugatan ang apat kabilang ang isang police officer sa Pennsylvania court building.

Napaslang naman ang suspek ng mga tauhan ng pulisya ayon sa Pennsylvania State Police.

Agad namang inalerto ng embahada ng Pilipinas ang mga miyembro ng Filipino community sa Maryland at pinaiwas sa lugar ng insidente.

Sa pinakahuling ulat ng Department of Foreign Affairs, walang Pilipino na nadamay sa nangyaring pamamaril.

Tags: , ,

59 patay sa bagyong ‘Ompong’ – PNP

by Jeck Deocampo | September 17, 2018 (Monday) | 30258

LUZON, Philippines – Umabot na sa 59 ang kabuoang namatay sa paghagupit ni bagyong ‘Ompong’ (Mangkhut) sa ilang bahagi ng ating bansa.

Ayon sa Philippine National Police, 49 ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), 7 sa Cagayan, 1 sa Ilocos Region, 1 sa Central Luzon at 1 sa Metro Manila.

47 naman ang sugatan habang 16 pa ang nawawala at labing tatlo rito ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Samantala, isang malaking landslide naman ang naganap sa Barangay Loacan sa Itogon, Benguet na nakapinsala sa 4 na minahan, kung saan halos 26 ang namatay at 8 pa ang nawawala.

Umabot sa halos 250,036 na indibidwal ang apektado sa Luzon ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

 

Ulat ni Reynante Ponte/UNTV News

Tags: , , , , ,

More News